
Iniimbestigahan ngayon ng Office of the Ombudsman ang isa nilang personnel matapos na hindi i-log sa Central Records ng ahensya ang umano’y komunikasyon o counter-affidavit na isinumite ni Senator Robin Padilla para sa reklamong Obstruction of Justice.
Sa press conference ni Ombudsman Boying Remulla noong Biyernes, July 31, sinabi nito na diretsong dinala umano ng kanilang personnel ang counter-affidavit ng senador sa division na nag-iimbestiga sa nasabing reklamo.
Dahil dito, sinulatan umano ni Ombudsman Remulla si Senator Padilla para ipaliwanag ang nasabing lapses ng kanilang tauhan, na nagresulta para sabihin noon ni Remulla na hindi umano nagsumite ang senador ng counter-affidavit.
Facebook Comments










