
Tiniyak ng House prosecution panel ang kahandaan sakaling magpasya ang Senate Impeachment Court na magpresenta muna ng ebidensya ang defense team patungkol sa alegasyong grave threats laban kay Vice President Sara Duterte bago isalang sa impeachment trial ang iba pang articles of impeachment.
Sinabi ito ni House prosecutor at Bicol Saro partylist Rep. Terry Ridon kasunod ng impormasyon na ikinokonsidera ng Impeachment Court na gawing salitan ang pagpipresenta ng ebidensya ng Prosekusyon at Depensa sa bawat article of impeachment.
Kaugnay nito ay naghain na ng 11-pahinang manifestation ang House prosecution team na nagsasaad ng kanilang pagpabor sa nabanggit na format upang higit na matutukan ng magkabilang partido at ng impeachment court ang bawat Article of Impeachment.
Binigyang diin naman sa manifestation na ang pagpapasya ay nakasalalay sa Senate impeachment court at handang sumunod dito ang House Prosecution Panel.










