
Tiniyak ng Malacañang ang agarang pagpasa ng mga pangunahing panukalang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA), kabilang ang pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).
Kasama rin sa prayoridad ang pagtataas ng taunang income tax exemption threshold sa ₱350,000 mula sa kasalukuyang ₱250,000, upang mabawasan ang buwis ng mga manggagawa at middle class.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ise-certify ng pangulo bilang urgent ang mga panukala kapag naihain na ang mga ito sa Kongreso.
Layon ng pangulo na alisin ang dagdag na singil sa mga konsyumer at sa halip ay obligahin ang mga utility companies na bawasan ang system losses, lalo na ang dulot ng nakaw-kuryente at iba pang pilferage.
Samantala, tiniyak naman ng Palasyo na nasa listahan pa rin ng mga prayoridad ng administrasyon pagpasa sa panukalang Anti-Political Dynasty Bill.
Hinihintay lamang aniya ang paghawak dito ng Kongreso hanggang makarating sa Bicameral Conference Committee, dahil nakabinbin pa rin ang panukala sa Senado at Kamara.










