Monday, July 13, 2026

𝗔𝗥𝗠𝗦 𝗖𝗔𝗖𝗛𝗘 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗔𝗦𝗔𝗕𝗢𝗚, 𝗡𝗔𝗥𝗘𝗞𝗢𝗕𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡

CAUAYAN CITY- Isang arms cache na naglalaman ng mga baril, bala, granada, at mga bahagi ng improvised explosive device (IED) ang narekober ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Army sa Barangay Capaluran, Allacapan, Cagayan noong ika-11 ng Hulyo.

Batay sa ulat, nakatanggap ang mga awtoridad ng impormasyon mula sa isang dating rebelde na may alyas na “Doming.”

Matapos ang isinagawang validation, natunton ng mga awtoridad ang iba’t ibang armas at pampasabog na kinabibilangan ng isang .38 caliber revolver, improvised shotgun, improvised .22 caliber firearm, mga 40 mm high explosive cartridges, rifle grenade, hand grenade, blasting caps, at iba pang kagamitang may kaugnayan sa paggawa ng IED.

Dinala naman ang mga nakuhang armas at iba pang ebidensya sa Allacapan Police Station para sa wastong dokumentasyon at kaukulang disposisyon. Samantala, isinailalim naman sa tamang proseso ng mga awtoridad ang mga bahagi ng IED upang matiyak ang ligtas na paghawak at pagtatapon ng mga ito.

Facebook Comments