Agad na naibalik sa may-ari ang isang envelope na naglalaman ng mahahalagang dokumento matapos itong matagpuan ng enforcer ng Task Force Disiplina na si Leo Villanda sa Municipal Plaza ng Bayambang kamakailan.
Habang naka-duty, napulot ni Villanda ang naturang envelope at agad itong isinuko at iniulat sa kinauukulan upang matunton ang tunay na may-ari.
Makalipas ang ilang oras, matagumpay na na-claim ang envelope ni John Erick Sikat, residente ng Dagupan City, na nagpaabot ng pasasalamat matapos maibalik nang maayos ang kanyang mahahalagang papeles.
Pinuri naman ang ipinakitang katapatan ni Villanda, na nagpapatunay na ang simpleng malasakit at pagiging tapat ay may malaking ambag sa pagpapanatili ng tiwala at maayos na ugnayan sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments






