
Sumampa sa 161 kaso ng Leptospirosis sa Quezon City ang naitala ng leptospirosis surveillance update mula Jaunuary 1 hanggang August 13.
20 katao sa nasabing bilang ang nasawi dulot ng nasabing sakig.
119 o 74% ng mga kaso ay mga indibidwal na nasa edad 21 years old pataas, habang pinakamarami naman sa mga nagkasakit ang mga kalalakihan, na umabot sa 129 na kaso.
Mas mataas ang nasabing datos kumpara sa update noong August 4, kung saan 138 kaso at 18 na indibidwal ang nasawi dahil sa leptospirosis.
Samantala, patuloy namang pinaaalalahanan ang publiko na iwasang lumusong, o magtampistaw sa tubig-baha, at siguruhin ang paggamit ng proteksyong pambaha, tulad ng bota at guwantes.
Facebook Comments










