Tuesday, September 1, 2026

PUTO VENDORS SA CALASIAO UNTI-UNTI NA UMANONG NALULUGI DAHIL SA TUBIG BAHA

Kasabay ng tuloy-tuloy na pagtaas ng tubig ang pagbaba at tuluyang pagkalugi ng mga puto vendors dito Calasio, Pangasinan.

‎Unti-unti nang nalulugi ang mga puto vendors sa Calasiao, bunsod yan ng tuloy-tuloy na pag-ulan na siyang nagpapataas ng tubig sa bayan.

‎Hinaing ng mga puto vendors ang pagkatumal ng kita mula sa pagtitinda ng puto.

‎Ayon kay aling Rose, bunsod ng nakaraang mga pagbaha ay bumaba ang kanilang kita, nasasayang lamang at itinatapon ang mga sirang produkto.


‎Matapos ang sunod-sunod na pag-ulan, ang pagbaha sa mismong sentro kung saan nangyayari ang bentahan ng mga puto na isa sa mga dinadayo ng mga turista.

‎Ayon kay Tammy Fernandez, tourism officer ng Calasiao, apektado ang turismo ng Calasiao dahil sa malawakang pagbaha na siyang nagpapahirap sa mga turista at mamimili sa Calasiao.


‎Sa kasalukuyan, wala pang tiyak na datos para sa kitang nawala sa sangay ng turismo sa bayan ng Calasiao. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments