Kabilang sa mga isinagawang aktibidad ang Unity Walk at Noise Barrage, gayundin ang mga paligsahan sa badminton, chess, table tennis at pickleball na nilahukan ng mga kabataan mula sa iba’t ibang barangay. Lumahok din ang mga mag-aaral mula sa siyam na paaralan sa bayan.
Tampok naman sa Youth Art Day ang Tugsayawit, Dagliang Talumpati at Drag Queen competition, kung saan naipakita ng mga kalahok ang kanilang talento at malikhaing pagpapahayag. Isinagawa rin ang Open League para sa mga kabataang kalahok mula sa iba’t ibang barangay.
Sa pamamagitan ng mga aktibidad, nabigyan ng pagkakataon ang kabataan na makilahok sa mga gawaing pangkomunidad, maipahayag ang kanilang mga pananaw at maipakita ang kanilang kakayahan, habang binibigyang-diin ang pagkakaisa sa kabila ng kanilang magkakaibang pinanggagalingan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







