Pormal na pinasinayaan ng Department of Health-Ilocos Region at Provincial Government of Ilocos Sur ang bagong Medical and Ward Building noong August 28, 2026.
Sa kabuuang investment, 21.83 milyong piso ang inilaan para sa infrastructure habang 33.7 milyong piso naman ang ginamit para sa medical equipment.
Pinondohan ang proyekto sa ilalim ng DOH Health Facility Enhancement Program, na bahagi ng General Appropriations Act of 2023.
Sa pamamagitan ng bagong pasilidad at karagdagang kagamitang medikal, inaasahang mapapalakas ang kakayahan ng ospital na magbigay ng essential, accessible at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng Salcedo at mga kalapit na komunidad.
Kasabay ng pagpapasinaya sa bagong gusali, nakamit din ng Ilocos Sur District Hospital-Salcedo ang Level 1 hospital status, isang mahalagang milestone para sa pasilidad bilang frontline health facility. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







