Kahit pa nasa ilalim na ng state of calamity ay hindi umano nagbago ng presyo ang ilang meat vendors sa Malimgas Public Market sa benta nila sa kada kilo ng karneng baboy at manok.
Bagamat hindi na nagpaunlak ng interview, inihayag ng isang meat vendor sa pamilihan na tumumal umano ang kanilang bentahan dahil sa nararanasang epekto ng habagat.
May mga araw din umano na hindi nauubos ang kanilang paninda. Bilang solusyon, ginagawa nilang longganisa o ‘di kaya ay inuulam na lamang ang mga ito upang hindi masayang.
Sa kabila nito ay hindi pa rin sila nagtaas ng presyo sa kada kilo ng bentang produkto.
Umaasa silang makababawi ng kita sa oras na humupa na ang tubig baha at pagpasok ng ber months.
Sa ngayon, nasa 340 pesos ang starting price para sa kada kilo ng karneng baboy depende sa parte habang nasa 200 pesos naman ang kada kilo ng karneng manok. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










