Pinangunahan ni PMAJ Rachel V. Corpuz, Station Chief ng Pangasinan MARPSTA, kasama ang mga operating Maritime Law Enforcement Teams o MLETs, ang magkakahiwalay na operasyon.
Isinagawa ang mga operasyon sa Barangay Magsaysay sa Labrador, Barangay Lucao sa Dagupan City, at Barangay Socony sa Bugallon, Pangasinan.
Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Santos B. Baldovizo, Acting Chief ng Regional Maritime Unit 1 o RMU 1, at sa koordinasyon ng Department of Environment and Natural Resources-Community Environment and Natural Resources Office o DENR-CENRO Central Pangasinan.
Ayon sa ulat, inaresto ang tatlong suspek dahil sa paglabag sa Chapter IV, Section 27(e) o Trading of Wildlife ng Republic Act No. 9147, o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Dinala sa Pangasinan MARPSTA ang mga naarestong indibidwal at mga nakumpiskang ebidensya para sa dokumentasyon at paghahain ng kaukulang kaso sa korte.
Samantala, ini-turn over sa DENR-CENRO ang mga nakumpiskang wildlife specimens para sa kaukulang pagsusuri, kustodiya at disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







