Tuesday, September 1, 2026

ILANG MANLALAKO NG GULAY SA DOWNTOWN, DAGUPAN CITY, LUMIPAT MULI SAQUINTOS BRIDGE DAHIL SA PAGTAAS NG BAHA‎‎

Muli na namang bumalik sa bahagi ng Quintos Bridge ang ilang manlalako ng gulay mula sa Downtown Area sa Dagupan City matapos muling tumaas ang baha sa lugar.

‎Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay Gina Maninding, isa sa mga manlalako ng gulay, hirap umano ang kanilang kabuhayan ngayong panahon ng Habagat dahil napilitan silang lumipat sa ibang pwesto.

‎Dagdag pa niya, bukod sa wala sila sa kanilang orihinal na pwesto, problema rin ang maulan na panahon dahil nababasa at nasisira ang kanilang mga paninda.


‎Ayon kay Maninding, mula alas-onse ng umaga hanggang alas-siyete ng umaga lamang sila maaaring magbenta sa lugar, kaya nakalulungkot umano kapag hindi nauubos ang kanilang paninda at nasisira pa dahil sa ulan.

‎Samantala, ayon naman sa ilan pang manlalako, nahihirapan silang magtinda sa kanilang orihinal na pwesto dahil sa rumaragasang tubig baha tuwing may malalaking sasakyang dumaraan.

‎Dahil dito, mas pinili na lamang nilang magtinda sa Quintos Bridge, kung saan mas ligtas umano ang kanilang mga paninda mula sa rumaragasang baha.

‎May mga awtoridad naman na nagbabantay para sa seguridad sa lugar, lalo na’t nagiging masikip ang ang nasabing tulay dahil sa mga nakaparadang sasakyan.


‎Napansin din na ilang motorista maging ang mga kotse na nagtangkang dumaan patungong Downtown Area ang napilitang bumuwelta matapos hindi na kayanin ng kanilang mga sasakyan ang taas ng baha.

‎Sa huli, umaasa ang mga manlalako na mabibigyan sila ng kahit anong uri ng suporta upang maipagpatuloy nila ang kanilang kabuhayan at makapagtinda nang maayos sa kabila ng nararanasang kalamidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments