SECURITY GUARD, ARESTADO SA KASONG RAPE THROUGH SEXUAL ASSAULT SA DAGUPAN CITY

Naaresto ng mga tauhan ng Dagupan City Police Office (DCPO) ang isang 54-anyos na security guard sa isinagawang operasyon sa Barangay Carael, madaling-araw ng Mayo 15, 2026.

Ayon sa ulat ng DCPO, isinagawa ang joint operation laban sa suspek na residente ng Barangay Salapingao.

Isinilbi sa kanya ang warrant of arrest para sa kasong Rape Through Sexual Assault sa ilalim ng Republic Act 8353. Ang naturang warrant ay inilabas noong Mayo 12, 2026 at may inirekomendang piyansa na ₱200,000.

Matapos maaresto, dinala ang suspek sa Police Station 5 para sa dokumentasyon at isinailalim sa mandatory physical examination sa isang medical facility sa lungsod. Kasunod nito ay inilipat siya sa custodial facility habang hinihintay ang pagdinig ng kaso sa korte.

Patuloy naman ang kampanya ng kapulisan laban sa mga wanted person bilang bahagi ng pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng seguridad sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments