Friday, May 15, 2026

AFTERCARE PROGRAM PARA SA MGA GRADUATED 4PS BENEFICIARIES, PANUKALANG ILUNSAD SA LINGAYEN

Isinusulong ang pagtatatag ng Aftercare Program para sa mga graduated beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Lingayen, upang matiyak ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng kanilang kabuhayan matapos makaalis sa programa.

Sa darating na Lunes, Mayo 18, nakatakdang magsagawa ng public hearing ang Sangguniang Bayan upang talakayin ang panukalang ordinansa na naglalayong magtatag ng isang Aftercare Program bilang patuloy na suporta o “”sustained transitional support” at matiyak na hindi na muling babalik sa kahirapan ang mga pamilyang nakapagtapos na sa programa.

Sa pamamagitan ng programang ito, nais ng lokal na pamahalaan na maglaan ng sapat na pondo at mga aktibidad na magsisilbing sandigan ng mga benepisyaryo upang mapanatili ang kanilang maayos na antas ng pamumuhay.

Inaasahang sa pamamagitan ng programang ito, mas mapapalakas ang transition ng mga benepisyaryo tungo sa mas matatag at self-sufficient na kabuhayan sa ilalim ng tulong ng lokal na pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments