E-BIKE, IPINAMAHAGI PARA SA PANG-ARAW-ARAW NA OPERASYON NG MGA BARANGAY SA SANTA MARIA

Namahagi ng mga e-bicycle ang lokal na pamahalaan ng Santa Maria sa mga barangay nito para mapabilis ang paghahatid ng serbisyo at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga residente.
Kabilang sa mga nabigyan ang Barangay San Vicente, Pugot, Santa Rosa, at San Alejandro, kasama ang iba pang barangay sa bayan.

 

Inaasahan nitong mapadali ang pang-araw-araw na operasyon ng mga barangay, partikular sa mga residente, pagsasagawa ng monitoring, at pagtugon sa mga emergency.

Ayon sa lokal na pamahalaan, nagsisilbing praktikal na kagamitan ang mga e-bicycle dahil ito ay environment-friendly at itinuring na modernong paraan ng transportasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments