Thursday, June 25, 2026

𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗔𝗡𝗗 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗣𝗚𝗖, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗗𝗘 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔

Cauayan City – Inaasahang magiging mas mabilis at epektibo ang pagtugon ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan sa mga sakuna at emergency matapos ilunsad ang bagong Command Center ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

‎Ayon kay Cheif Zenart Villamar ng Command Center nakakabit na sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ang mahigit 100 CCTV cameras na may kakayahang mag-detect ng mukha at plaka ng sasakyan upang mapalakas ang monitoring at seguridad sa probinsiya.

‎May mga CCTV ring inilagay sa mga district hospital, tanggapan ng Task Force Lingkod Cagayan-Quick Response Team, at ilang pangunahing tulay upang mabantayan ang sitwasyon lalo na kapag may pagbaha at iba pang kalamidad.

‎Binabantayan din ng sistema ang mga checkpoint sa mga pangunahing entrada ng lalawigan.

‎Ayon sa Provincial Government of Cagayan, makatutulong ang bagong pasilidad sa mas maayos na koordinasyon ng mga ahensiya at agarang deployment ng responders sa mga lugar na nangangailangan ng tulong.

‎Matatagpuan ang Command Center sa bagong gusali ng PDRRMO sa Kapitolyo ng Cagayan.

Facebook Comments