Friday, May 8, 2026

Mahigit 400 libong pisong halaga ng pekeng “Magic Sarap”, nasamsam sa Iligan City

Nasamsam ng mg operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Iligan City Field Unit ang mga pekeng “Magic Sarap” sa isinagawang operasyon sa Brgy. Hinaplanon, Iligan City.

Nag-ugat ang nasabing operasyon mula sa reklamo ng Nestle Philippines patungkol sa pagbebenta at distribusyon ng nasabing pekeng seasoning product.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jojo”, 56 years old at residente ng Brgy. Gusa, Cagayan de Oro City.

Narekober sa kanya ang 106 na kahon ng umano’y pekeng “Magic Sarap” seasoning na tinatayang nagkakahalaga ng 444,000 pesos.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines.

Hinikayat naman ng CIDG ang publiko na i-report ang lahat ng mga counterfeit at trademark infringing products at mga ilegal na aktibidad sa kanilang komunidad.

Facebook Comments