Nagsagawa ng water level monitoring ang mga duty personnel ng himpilan ng Bureau of Fire Protection noong Agosto 4, 2025 bilang tugon sa umiiral na masamang lagay ng panahon na dulot ng Tropical Depression “Luis.”
Layunin ng isinagawang monitoring na mapalawak ang kamalayan ng publiko, partikular ng mga residente ng San Carlos City, hinggil sa kahalagahan ng kahandaan at pagsunod sa mga hakbang pangkaligtasan sa panahon ng bagyo.
Mahigpit na binantayan ng mga tauhan ang lebel ng tubig sa mga ilog at iba pang daluyan ng tubig upang masuri ang kasalukuyang kondisyon ng mga ito at matukoy ang posibleng panganib sa mga mabababang lugar at mga komunidad na madaling bahain sa lungsod.
Patuloy namang hinihikayat ang mga residente na maging mapagmatyag, subaybayan ang mga opisyal na abiso ng mga kinauukulan, at makipagtulungan sa mga awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa habang nararanasan ang epekto ng Tropical Depression “Luis.” | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











