Tuesday, August 4, 2026

Ilang klase ng gulay, posibleng tumaas ang presyo ng hanggang P10 dahil sa mga pag-ulan ayon sa DA

Hindi inaalis ng Department of Agriculture o DA ang posibilidad na tumaas ng P5 hanggang P10 ang presyo ng ilang klase ng gulay dahil sa mga nararanasang pag-ulan.

Kasunod na rin ito ng joint inspection ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture o DA sa Las Piñas Market.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., tatagal ang pagsipa ng presyo ng ilang klase ng gulay ng ilang araw o isang linggo.

Paliwanag niya, apektado kasi ng masamang panahon ang ilang lugar na producer ng high-value crops kaya asahan na magkakaroon ng taas-presyo.

Samantala, wala namang paggalaw sa presyo ng isda at karneng baboy dahil sapat ang suplay hanggang katapusan ng taon.

Habang bumaba ang presyo ng manok sa naturang pamilihan mula sa dating P215 per kilo nass P160 hanggang P170 na lang ang presyo nito.

Facebook Comments