MGA NAGBEBENTA SA GILID NG KALSADA SA MAPANDAN, PINAKIUSAPAN NG LGU NA PANATILIHIN ANG KAAYUSAN

Pinakiusapan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Mapandan ang mga nagbebenta sa gilid ng kalsada sa Pandan Avenue, Brgy. Poblacion noong Hulyo 29, 2026.

Sa isinagawang dayalogo, ipinaalala sa mga vendor ang kahalagahan ng pag-iwas sa pagtitinda sa mismong bahagi ng kalsada.

Target umano nito g mapanatiling ligtas at maayos ang daloy ng trapiko at paggamit ng pampublikong espasyo.

Sa ilang lugar, inuuna ang pakikipagdayalogo sa mga vendor para mahikayat ang boluntaryong pagsunod sa mga ordinansa at mabawasan ang sagabal sa mga lansangan.

Ayon sa pamahalaang lokal, layunin ng aktibidad na hingin ang kooperasyon ng mga nagbebenta sa mga pampublikong kalsada para sa kapakinabangan ng mga motorista, pedestrian, at ng buong komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments