
Arestado ng mga awtoridad ang itinuring na Top 4 Most Wanted Person sa provincial level ng Ilocos Sur matapos ang isinagawang intelligence-driven operation sa Mankayan, Benguet.
Ayon sa Ilocos Sur Police Provincial Office (ISPPO), isinagawa ang operasyon noong Hulyo 6, 2026 ng mga tauhan ng Sugpon Municipal Police Station katuwang ang Mankayan Municipal Police Station, Ilocos Sur Police Intelligence Unit (ISPIU), Ilocos Sur Police Drug Enforcement Unit (ISPDEU), at Allilem Municipal Police Station.
Arestado ang 34 anyos na akusado na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, partikular sa pagpapatubo ng mga halamang itinuturing na dangerous drugs.
Wala umanong inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










