DAGUPAN CITY, ISA SA MGA DESTINATION STAGE NG WORLD MUSIC DAY 2026

Isang araw na puno ng musika at pagdiriwang ang magaganap sa lungsod ng Dagupan matapos itong mapabilang sa mga destination stage ng World Music Day o Fête de la Musique 2026 sa darating na June 27, 2026.

Bilang destination stage, magsisilbing sentro ng mga pagtatanghal at pagdiriwang ng musika ang iba’t ibang collaborative venues sa lungsod.

Tampok dito ang iba’t ibang genre tulad ng Indie, Hip-Hop & RnB, Electronic DJs, at Acoustic, kung saan magsasama-sama ang mga lokal na artist, musikero, at mga bisita para sa selebrasyon.

Ang Fête de la Musique ay isang pandaigdigang pagdiriwang ng musika na nagsimula sa France noong 1982.

Sa paglahok ng Dagupan City sa Fête de la Musique 2026, makikita ang pag-unlad ng mga propesyonal at amateur na musikero na inaasahang mas mapapalawak pa ang kamalayan ng publiko sa mahalagang papel ng musika sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments