Thursday, June 25, 2026

𝗣𝗔𝗚𝗕𝗨𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗢𝗙 𝗜𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗚𝗘, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗜𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡

CAUAYAN CITY – Tiniyak ng pamahalaang lungsod ang kahandaan ng City of Ilagan College para sa nalalapit nitong pagbubukas ngayong Agosto.

Sa isinagawang pagbisita ni Mayor Jay L. Diaz, sinuri ang mga pangunahing pasilidad na gagamitin ng mga mag-aaral upang matiyak na handa na ang mga ito bago magsimula ang panibagong taong panuruan.

Ayon sa pamunuan ng lungsod, nakumpleto na ang ilan sa mahahalagang imprastraktura ng kolehiyo habang nagpapatuloy ang pagsasaayos ng mga silid-aralan at paglalagay ng mga kinakailangang suplay at kagamitan.

Layunin ng mga paghahandang ito na matiyak ang maayos na operasyon ng institusyon at makapagbigay ng dekalidad na serbisyo sa mga mag-aaral na inaasahang magmumula sa iba’t ibang bahagi ng Isabela at mga karatig-lalawigan.

Sa pagbubukas ng City of Ilagan College ngayong Agosto, inaasahan na makapag-bibigay ito ng abot-kaya at dekalidad na edukasyon para sa mga kabataan.

Facebook Comments