Mas mapapalawak na ang paghahatid ng serbisyo publiko at mga programang pangkomunidad sa Barangay Herrero-Perez sa pagbubukas ng bagong multi-purpose building na inaasahang magsisilbing sentro ng iba’t ibang aktibidad at pagtitipon ng mga residente.
Ang bagong pasilidad ay idinisenyo upang maging venue ng mga pagpupulong ng barangay, seminar, livelihood training, youth development activities, at mga programa para sa senior citizens, kababaihan, at iba pang organisasyon sa komunidad.
Bukod sa mga regular na gawain ng barangay, nakatakda ring gamitin ang gusali bilang evacuation at operations center sa panahon ng kalamidad at iba pang emerhensiya, na magpapalakas sa kahandaan at pagtugon ng barangay sa anumang sakuna.
Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na ang proyekto ay sumasalamin sa layunin nitong magkaroon ng ligtas, maayos, at makabagong pasilidad sa bawat barangay upang higit na mapabuti ang kalidad ng serbisyo para sa mga mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











