
Ito ay matapos ang inilabas na public advisory ng Department of Health (DOH) Ilocos Center for Health Development sa naturang petsa.
Sa ilalim nito, inaatasan ang mga pampubliko at pribadong pagamutan ihanda ang emergency response teams, sapat ang suplay ng gamot at medical equipment.
Ayon sa DOH Ilocos Region, mahigpit nilang babantayan ang lahat ng health-related incidents na nangangailangan ng agarang interbensyon.
Ayon sa DOST PAGASA, pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon Inday alas-3:00 ng madaling araw ng Hulyo 8, 2026, at inaasahang lalapit ito sa Extreme Northern Luzon sa Hulyo 10 bago tuluyang lumabas patungong Japan at mainland China.
Kasabay ng abiso, hinikayat ng DOH Ilocos Region ang publiko na maghanda ng maintenance medicines, first-aid kit, malinis na inuming tubig at emergency supplies. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










