
CAUAYAN CITY- Nasakote ang isang 44-anyos na lalaki matapos ang isinagawang operasyon ng pulisya sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.
Kinilala ang suspek na si alyas βNardoβ may asawa, at residente ng Reyes Subdivision sa nasabing barangay at nahaharap sa kasong Estafa.
Inaresto ang nasabing suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong February 12, 2025 ng Regional Trial Court, Branch 56, San Carlos City, Pangasinan na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng β±18,000 para sa kaniyang pansamantalaang kalayaan.
Matapos ang operasyon, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine bago siya dinala sa himpilan ng Cauayan City Component Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.










