Nakatanggap ng livelihood project na nagkakahalaga ng ₱172,557 ang Nagsaag Parents of Child Laborer’s Association sa Barangay Nagsaag, San Manuel, Pangasinan, bilang tulong sa kanilang kabuhayan na pangtustos sa kanilang pamilya.
Sa tulong ng Department of Labor and Employment Eastern Pangasinan Field Office (EPFO), benepisyaryo ng proyekto ang 14 na magulang o tagapag-alaga ng mga child laborer at isang self-employed na may hindi sapat na kita upang masuportahan ang kanilang pamilya.
Ang inisyatibo ay naglalayong magbigay ng kabuhayan sa pamamagitan ng pagbebenta ng school supplies at photocopying bilang pangmatagalang hanapbuhay habang tinutugunan ang pangangailangang pinansyal ng mga pamilya upang maiwasan ang child labor.
Buong suporta rin ang Barangay, na handang makikipagtulungan sa pagpapalaganap ng proyekto sa pakikipag-ugnayan sa mga kalapit na paaralan, guro, at mga mag-aaral upang matiyak ang pagpapatuloy ng naturang kabuhayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










