Wednesday, October 28, 2026

Davao City Prosecutor Jhopee Avanceña, hindi dapat humawak sa kasong cyberlibel laban sa veteran journalist na si Philip Lustre ayon kay Atty. Dino de Leon

Binigyang diin sa isang press conference ni Human Rights Lawyer Dino de Leon, abogado ng veteran journalist na si Philip Lustre, na dumestansya dapat si Davao City Prosecutor Jhopee Avanceña sa paghawak ng kasong cyberlibel laban kay Lustre.

Ito ay dahil umano sa ugnayan ni Avanceña sa pamilya ng nagreklamo kay Lustre, na si Atty. Mans Carpio, na asawa ni Vice President Sara Duterte.

Sa kabilang banda, nanawagan naman si De Leon sa Kongreso ng decriminalization o pagtatanggal sa kriminal na pananagutan sa kasong libel at cyberlibel, dahil maaari umano itong gamitin ng mga makapangyarihan para patahimikin ang mga kritiko, takutin ang mga mamamahayag, at parusahan ang mga nagpapahayag ng pagtutol, gaya nang nangyari kay Lustre.

Dagdag pa rito, dapat din umanong manatiling bukas ang paghahain ng kasong sibil laban sa mga taong ilegal na nakasira sa reputasyon ng iba.

Matatandaang noong Sabado ng umaga inaresto ng mga pulis si Lustre, dahil sa kasong cyberlibel sa Davao City, pero nakalaya ito matapos maglagak ng P48-K na piyansa.

Facebook Comments