1 MILYONG UPOS | Babae sa California, tinaguriang ‘butt lady’

California – Tinaguriang ‘butt lady’ ang isang ale sa Auburn California, dahil sa pamumulot nito ng cigarette butts o yung upos ng sigarilyo.

Gamit ang isang dustpan, walis at isang pares ng tongs sinimulan ng anti-littering activist na si Sally Dawly ang pamumulot ng upos ng sigarilyo noong October 2014 at inilalagay niya sa kanyang garapon.

Para malaman niya kung ilan na ang napupulot, gumagamit siya ng clicker para irecord ang dami nito.


At nito lamang February 14, Valentine’s day ay ang kanyang ika-isang milyong upos ng sigarilyo.

Ayon kay Dawly, minsan pa ay nakaka-tatlong libo itong upos ng sigarilyo sa isang araw.

Patunay lamang ito na dapat ay maging responsable ang mga naninigarilyo at itapon sa basurahan ang kanilang kalat.

Facebook Comments