
Nakapag-monitor ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng nasa 35 Chinese vessels sa 4 na maritime features sa West Philippine Sea (WPS) sa nakalipas na linggo May 4 hanggang May 11.
Pinakamarami ang namataan sa Bajo de Masinloc na may 9 na Chinese Coast Guard Vessels at 8 People’s Liberation Army Navy (PLAN).
Sinundan ito ng Ayungin Shoal na may namataan n 1 PLA-Navy Ships at 6 na CCGs.
Habang sa Escoda Shoal ay namataan ang 3 PLA-Navy at 2 na CCGs.
Samantala, 3 PLA Navy at 3 CCGs naman ang namataan sa Pag-asa Island.
Patuloy naman ang pagbabantay ng AFP sa pambansang teritoryo at soberanya ng bansa alinsunod sa international law at sa layuning mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Facebook Comments










