
Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa negosyante at billiard icon na si Perry Mariano at ang driver nito.
Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame, sinabi ni PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, natukoy ito dahil sa finger print mula sa handle bar ng motor na ginamit na inabandona matapos ang pananambang.
Ayon pa kay Tuaño, na-background check na rin at natukoy na rin ang iba pang mga kasong kinasasangkutan ng nasabing suspek at mayroon itong arrest warrant.
Samantala, nagpapatuloy na rin ang manhunt operation ng Special Investigation Team (SIT) sa labas ng Metro Manila.
Tumanggi naman si Tuaño na magbigay pa ng ibang impormasyon dahil sa nagpapatuloy na operasyon.
Facebook Comments










