Tuesday, May 5, 2026

Dalawa pang option sa pagpapababa sa singil sa kuryente, isinusulong ng DOE

Aminado ang Department of Energy (DOE) na hindi lamang ang pag-alis sa Value-Added Tax (VAT) sa kuryente ang solusyon para mapababa ang singil sa elektrisidad.

Ayon sa Energy Department, tuloy-tuloy din ang kanilang paghahanap ng mga alternatibong solusyon para mapababa ang gastos sa kuryente.

Tinukoy ng DOE ang dagdag na supply at ang mas mabilis na renewable energy rollout.

Tiniyak ng Energy Department na gagawin nila kung ano ang makakatulong sa nakakaraming Pilipino.

Una nang inihayag ng DOE na nasa kamay ng economic managers at ng Kongreso ang desisyon kung tuluyang aalisin ang VAT sa kuryenye.

Aniya, sila ay mas nakakaalam sa lawak ng epekto sa ekonomiya ng mga isinusulong na hakbang.

Facebook Comments