Tuesday, May 5, 2026

Pahayag ni Sen. Imee na nag-i-import ang pamahalaan ng repolyo, fake news ayon sa Palasyo

Mariing pinabulaanan ng Malacañang ang alegasyon ni Senadora Imee Marcos na nag-aangkat ang bansa ng repolyo at iba pang gulay.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, personal na kinumpirma ni Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel na walang ganitong importasyon.

Nakapagtataka aniya kung saan nanggaling ang impormasyong ibinahagi ng senadora, dahil wala umano itong malinaw na basehan at malinaw na fake news.

Giit pa ni Castro, hindi man direktang naglalabas ng babala ang gobyerno laban sa senadora, pero malinaw na mandalo ng National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon.

Facebook Comments