Wednesday, October 14, 2026

Pangangailangan ng mga mangingisdang nakaditine sa Sabah, dapat tiyakin naibibigay ng gobyerno

Pinapatiyak ni Pwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP) Party-list Rep. Harold Duterte sa gobyerno, partikular sa Department of Foreign Affairs (DFA), na tiyaking naibibigay ang lahat ng pangangailangan ng 65 mga mangingisdang Pilipino na nakaditine sa Sabah.

Ang nabanggit na hiling ni Congressman Harold ay nakapaloob sa inihain niya at ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte na House Resolution No. 1545.

Nakasaad sa resolusyon na ang naturang mga Filipino fishermen ay inaresto ng Malaysian Maritime Enforcement Agency noong September 27, 2026 at kinumpiska ang nahuling nilang apat na toneladang isda na tinatayang nagkakahalaga ng halos 5-milyong piso.

Nakakadismaya para kay Rep. Duterte na nahuli ang ating mga Filipino fishermen sa bahagi ng karagatan na inaangkin din ng Malaysia.

Apela ni Duterte sa DFA, pag-ibayuhin ang diplomatikong pakikipag-ugnayan sa Malaysian authorities upang agad mapalaya ang ating mga kababayang mangingisda at agad mapauwi sa ating bansa.

Facebook Comments