Monday, October 19, 2026

PBBM, ipinasisilip ang aktuwal na nagawa ng mga ahensiya sa bawat pisong ginastos ng gobyerno

Nais makita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang aktuwal na resulta ng paggastos ng pera ng bayan, dahil hindi na sapat ang mataas na budget utilization rate ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, inatasan ang Department of Budget and Management o DBM na suriin hindi lamang ang paggamit ng pondo kundi pati ang mga proyektong natapos, mga target na naabot, at serbisyong naihatid sa publiko.

Layunin nitong matiyak na may katumbas na konkretong resulta ang bawat pisong inilalabas ng pamahalaan.

Binigyang-diin ni Castro na kailangang maramdaman ng mga Pilipino ang pakinabang sa pondo ng bayan at hindi ito mauwi sa paggastos na walang direktang pakinabang sa mamamayan.

Facebook Comments