Monday, October 19, 2026

PBBM, pinag-uulat ang DTI at BCDA sa mga naantalang pamumuhunan sa Clark

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Trade and Industry (DTI) at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na iulat ang mga proyektong pamumuhunan sa Clark na hindi pa natatapos at hindi nasusunod ang target na pagbubukas.

Sa pagbubukas ng bagong pasilidad ng United Parcel Service sa Clark Freeport Zone, iginiit ng Pangulo na responsibilidad ng pamahalaan na tiyaking natatapos sa oras ang mga proyekto ng mga investor.

Layunin nitong maiwasan ang pagkaantala sa mga proyekto at matiyak na agad na mapakikinabangan ang mga ito.

Samantala, binanggit ng Pangulo na nagtatag ang DTI ng Supply Chain and Logistics Center para tulungan ang mga negosyo sa kanilang pangangailangan sa supply chain.

Umaasa naman si Marcos na magbubukas ng mas maraming oportunidad sa negosyo at trabaho ang bagong logistics facility sa Clark.

Facebook Comments