Friday, October 16, 2026

Mga hosts na isang podcast na kumutya sa isang may kapansanan, dapat tiyaking mananagot

Umaasa si House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila De Lima na mapapanagot ang mga hosts ng isang podcast show na kumutya at ginawang katawa-tawa ang panganay na anak ni Kris Aquino na si Josh dahil sa taglay nitong kapansanan.

Dismayado si De Lima na kahit mali ang pahayag ng mga hosts ay itinuloy pa rin ang airing ng programa kung saan mas marami pang nakarinig at nakapanood ng kanilang hindi katanggap-tanggap na mga pahayag.

Giit ni De Lima, ang ganitong biro ay kawalan ng respesto at pagiging insensitibo dahil nagpapakita ito ng kawalan ng pang-unawa, malasakit, pagpapakatao at pakikipagkapwa-tao.

Talagang nakalulungkot at nakagagalit para kay De Lima na imbes na awareness, acceptance at inclusion ang nagkakaisa nating itaguyod ay ginawa pang katatawan sa nasabing programa ang autism.

Diin ni De Lima, hindi joke o biro ang pagkakaroon ng kapansanan at lalong hindi katawa-tawa ang hirap, sakripisyo at mga hamon na pinagdadaanan ng kanilang mga pamilya.

Facebook Comments