Wednesday, June 10, 2026

10-milyong dolyar na pledge ng DOH sa WHO, dapat busisiin ng Kamara

Isinulong ni Senior Citizens Party-list Congressman Rodolfo Ordanes na usisain ng House of Representatives kung bakit nangako ang Department of Health (DOH) na magbigay ng sampung milyong dolyar sa World Health Organization (WHO) o katumbas ng nasa P615 million.

Ang hirit na imbestigasyon ng Kamara ukol sa naturang hakbang ng DOH ay nakapaloob sa House Resolution No. 1072 na inihain ni Ordanes.

Katwiran ni Ordanes, dapat timbanging mabuti ang pagbibigay ng pondo sa WHO dahil mas higit na kailangan na mapahusay ang serbisyong pangkalusugan sa mamamayan dito sa Pilipinas.

Target ng pagdinig na alamin ang batayan ng pagbibigay ng 10-million dollar sa WHO, saan ito kukunin at anu ang magiging implikasyon nito sa ating mga polisiya.

Facebook Comments