
Nasabat ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nasa 100 karton na naglalaman ng iba’t ibang smuggled frozen fishery products sa Batangas City.
Kaakibat dito, naaresto rin ng operatiba ng NBI Batangas District Office ang tatlong lalaki na nagdadala at nagtitinda ng mga kontrabandong fish products sa probinsya.
Iprinisinta sa Office of the City Prosecutor ng Batangas City para sa inquest proceeding ang tatlong indibidwal dahil sa mga paglabag sa The Philippine Fisheries Code. of 1998 at paglabag sa Anti-Agricultural Sabotage Act of 2024.
Facebook Comments