Tinatayang 100 rehistradong magsasaka sa bayan ng Bolinao ang nakatakdang makatanggap ng hybrid rice seeds mula sa Department of Agriculture (DA) ngayong Mayo 14, 2026.
Ayon sa Municipal Agriculture Office, isasagawa ang distribusyon sa ilalim ng first come, first serve na sistema kung saan ang unang 100 RSBSA-registered farmers lamang ang mabibigyan ng suplay dahil sa limitadong bilang ng binhi.
Ang mga ipamamahaging hybrid rice seeds ay mula sa Department of Agriculture–PhilRice at ipapamahagi hanggang maubos ang suplay.
Nagpaalala ang lokal na pamahalaan sa mga kwalipikadong magsasaka na magdala ng valid ID at RSBSA stub bilang patunay ng rehistrasyon upang makasali sa distribusyon at makakuha ng benepisyo mula sa programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣




