
Nagsama-sama ang Technical Support Company (TSC) ng Philippine National Police at iba’t ibang motorcycle riders’ clubs sa isang makabuluhang Ride for a Cause at Road Safety Lecture na isinagawa noong umaga ng Hulyo 19, 2025, sa Barangay Paringao, Bauang, La Union.
Layunin ng programa na palakasin ang kamalayan ng mga motorista sa kahalagahan ng kaligtasan sa kalsada sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga mahahalagang paalala at kaalaman upang maiwasan ang mga aksidente.
Higit pa sa pagsusulong ng road safety, naging sentro rin ng aktibidad ang pagtulong sa mga nangangailangan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng mga riders at mga tauhan ng TSC, naipagkaloob ang tulong pinansyal sa dalawang benepisyaryo mula sa Taberna, Bauang.
Ang mga tumanggap ng tulong ay sina Norwin Ilagan, 45 taong gulang, na kasalukuyang lumalaban sa sakit na Ankylosing Spondylitis, at si Rey Iverson Ramoran, 13 taong gulang, na may Congenital Heart Disease.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang mga organizer sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at nagbahagi ng kanilang oras at biyaya upang maisakatuparan ang layunin ng programa.
Nagsama-sama ang Technical Support Company (TSC) ng Philippine National Police at iba’t ibang motorcycle riders’ clubs sa isang makabuluhang Ride for a Cause at Road Safety Lecture na isinagawa noong umaga ng Hulyo 19, 2025, sa Barangay Paringao, Bauang, La Union.
Layunin ng programa na palakasin ang kamalayan ng mga motorista sa kahalagahan ng kaligtasan sa kalsada sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga mahahalagang paalala at kaalaman upang maiwasan ang mga aksidente.
Higit pa sa pagsusulong ng road safety, naging sentro rin ng aktibidad ang pagtulong sa mga nangangailangan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng mga riders at mga tauhan ng TSC, naipagkaloob ang tulong pinansyal sa dalawang benepisyaryo mula sa Taberna, Bauang.
Ang mga tumanggap ng tulong ay sina Norwin Ilagan, 45 taong gulang, na kasalukuyang lumalaban sa sakit na Ankylosing Spondylitis, at si Rey Iverson Ramoran, 13 taong gulang, na may Congenital Heart Disease.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang mga organizer sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at nagbahagi ng kanilang oras at biyaya upang maisakatuparan ang layunin ng programa.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








