Nanawagan ang lokal na pamahalaan ng San Carlos City sa mga opisyal ng barangay na tiyaking tama at hindi dinagdagan o binawasan ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha at sunod-sunod na pag-ulan.
Ayon kay Mayor Julier “Ayoy” Resuello, mahalaga ang accurate na datos dahil ginagamit ito bilang batayan sa paghahanda ng mga kinakailangang dokumento at pagbibigay ng kaukulang tulong sa mga apektadong pamilya.

Iginiit ng alkalde na hindi dapat gawing biro ang pagsusumite ng datos at kailangang tumugma ang mga isinusumiteng bilang sa aktuwal na sitwasyon sa bawat barangay.
Mahigpit din umanong bineberipika ng lokal na pamahalaan ang mga bilang gamit ang kanilang mga rekord.
Nilinaw din ni Resuello na pamilya at hindi indibidwal ang dapat gamiting batayan sa pagbibilang ng mga naapektuhan.
Ayon sa alkalde, marami nang pamilya ang naapektuhan kasunod ng halos isang buwang nararanasang sunod-sunod na pag-ulan.
Patuloy namang kinakalap at bineberipika ng lokal na pamahalaan ang datos mula sa mga barangay upang matukoy ang aktuwal na bilang ng mga pamilyang nangangailangan ng tulong. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments