Umabot sa ₱3,405,664 ang tinatayang halaga ng mga ilegal na droga na nasamsam sa isang linggong operasyon sa Region 1 mula Setyembre 1 hanggang 7, 2026.
Sa 25 operasyon kontra ilegal na droga, 24 indibidwal ang naaresto. Kabilang sa mga nakumpiska ang 411.48 gramo ng hinihinalang shabu, 2,740 halamang marijuana, 1,400 punla ng marijuana, at 30 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Kasabay nito, 56 wanted persons ang naaresto sa pinaigting na manhunt operations. Kabilang dito ang pitong Most Wanted Persons at 49 iba pang wanted persons.
Samantala, nagsagawa rin ng 20 operasyon kontra ilegal na sugal, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 76 katao at pagkakakumpiska ng ₱33,457 na bet money.
Sa kampanya naman kaugnay sa loose firearms, siyam na baril ang naitalang nakumpiska kung saan anim ang isinuko at tatlo ang idineposito sa mga awtoridad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣












