Monday, June 1, 2026

UMINGAN, POSIBLENG MAGING SENTRO NG MALAKING CATTLE FEEDLOT SA BANSA

Nagsimula na ang malawakang pagtatanim ng sorghum sa Umingan bilang bahagi ng paghahanda para sa pinakamalaking cattle feedlot sa bansa. Ang unang anim na ektarya ng taniman ay magsisilbing pilot farm at modelo para sa mga lokal na magsasaka na nais makilahok sa proyekto.

Layunin ng inisyatiba na makapagpatubo ng hanggang 2,000 ektarya ng sorghum para matustusan ang malaking herd ng baka na inaasahang aabot sa 14,000 heads. Sa simula, 500 baka ang ilalagay para sa feedlot trials bago dumating ang mas malaking batch mula Australia.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang proyekto ay magbibigay pagkakataon sa mga magsasaka na kumita ng hanggang ₱60,000 kada 75 araw kada ektarya, gamit ang makabagong teknolohiya at tamang pamamaraan sa pagtatanim. Kabilang dito ang Monosem Pneumatic Planter, na kayang magtanim at maglagay ng pataba nang sabay at eksakto, isang hakbang upang gawing sustenable ang produksyon.

Bukod sa kita, inaasahang mapapalakas ng proyekto ang seguridad sa pagkain at kabuhayan sa komunidad habang naghahanda sa operasyon ng malaking feedlot sa Umingan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments