Nasa 4,099 senior citizens o social pensioners sa bayan ng Bani ang nakatanggap ng tig-P3,000 mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office I mula Abril 14 hanggang 16, 2026.
Ayon sa mga opisyal, ang Bani ay kabilang sa mga bayan na may pinakamataas na bilang ng senior citizens o social pensioners sa Western Pangasinan.
Layunin ng programang ito na matulungan ang mga nakatatanda sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan tulad ng gamot, pagkain, at iba pang gastusin.
Patunay ang inisyatibang ito ng patuloy na suporta ng pamahalaan sa kapakanan at kalusugan ng mga senior citizens sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










