Ito’y matapos agad na maidulog ng barangay dahil sa pangamba ng ilang residente na umagos ang tubig sa kanilang mga tahanan lalo at tuloy-tuloy pa rin ang pag-uulan.
Ayon kay Brgy. Captain Elpidio Untalan, unang linggo pa lamang nang makitaan na umano ng mga bitak ang nasabing bahagi kaya’t agad din nila itong idinulog sa DPWH.
Bagamat nararanasan pa rin ang patuloy na pag-uulan ay sisikapin na maumpisahan ang pagsasaayos sa bumigay na parte ng irrigation dike.
Pansamantala rin munang hindi pinahihintulan ang mga residenteng dumaan sa nasabing bahagi.
Sa ngayon, patuloy ang monitoring ng mga opisyal ng barangay at ng Calasiao MDRRMO upang matiyak rin ang sitwasyon at kaligtasan ng mga residente malapit sa irigasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







