Ayon sa lingguhang accomplishment report ng La Union PPO, kabilang sa mga nasamsam ang 12.14 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱168,708, gayundin ang 23 gramo ng marijuana na may tinatayang halagang ₱1,456.80.
Sa parehong panahon at accomplishment report, isinaad rin ang ang pagkakaaresto sa 13 wanted persons. Kabilang dito ang tatlong regional most wanted persons, isang provincial most wanted person, isang city most wanted person, isang municipal most wanted person, at pitong iba pang wanted persons.
Samantala, nakapagtala rin ang pulisya ng 2,711 katao na sinita o inaresto dahil sa paglabag sa mga lokal na ordinansa.
Sa kampanya kontra loose firearms, nagsagawa ang mga awtoridad ng 23 operasyon, na humantong sa pagkakaaresto ng tatlong indibidwal.
Umabot naman sa 19 baril ang isinuko, habang isang baril ang idineposito at isa pang surrendered UZO ang naitala.
Sa kampanya naman laban sa ilegal na sugal, dalawang operasyon ang isinagawa na nagresulta sa pagkakaaresto ng walong katao.
Bahagi ang mga operasyon ng patuloy na pagpapatupad ng batas at kampanya ng pulisya para sa seguridad at kaayusan sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










