Mariing kinondena ng Ilocos Sur Police Provincial Office o ISPPO ang naganap na pamamaril sa harap ng Land Registry Authority o LRA sa Barangay V, Bantay, Ilocos Sur noong Setyembre 28, 2026.

Isa ang nasawi habang dalawa naman ang nasugatan sa insidente.

Agad na nagsagawa ng quick response at hot pursuit operation ang mga rumespondeng pulis, katuwang ang KIMAT at mga kalapit na police station.

Ayon sa ISPPO, maingat na isinasagawa ang mga hakbang sa imbestigasyon upang maayos na maidokumento ang mga ebidensya at masundan ang mga lead na makatutulong sa paglutas ng kaso.

Patuloy din ang pagtugis sa responsable sa insidente upang mapanagot ito alinsunod sa batas.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ISPPO sa pamilya ng nasawi at hiniling ang agarang paggaling ng dalawang sugatan.

Hinimok din ng pulisya ang publiko na agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang anumang impormasyong maaaring makatulong sa pagtukoy at paghahanap sa suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments