
Inilabas ng Philippine Space Agency (PhilSA) ang satellite images na nagpapakita ng pag-angat at pag-usog ng baybayin sa Jose Abad Santos, Davao Occidental matapos tamaan ng magnitude 7.8 na lindol noong June 8.
Para matukoy ang pagbabago at makatulong sa damage assessment at pagpaplano ng mga susunod na hakbang, ginamit ng PhilSa ang Sentinel-2 at BlackSky satellite images, kung saan tinatayang umabot umano sa 179 ektarya ang lawak nang umangat na baybayin.
Gayunpaman, sasailalim pa umano sa ground validation ang nasabing mga resulta para matiyak ang accuracy ng nasabing datos.
Matatandaang iniulat na noon ang umano’y pag-angat ng hanggang 2 metro ng seabed at pag-urong ng tinatayang 200 metro ng baybayin sa ilang bahagi ng Glan, Sarangani matapos ang nasabing lindol.










