Pansamantalang nagtigil-pasada ang ilang tricycle driver bunsod pa rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Ayon sa ilang tsuper, halos wala na silang naiuuwing kita dahil malaking bahagi nito ay napupunta sa pambili ng gasolina.
Dahil dito, umabot umano sa punto na hindi na pumasada ang buong grupo ng mga driver na nagseserbisyo sa isang barangay sa bayan.
Bukod sa mataas na presyo ng petrolyo, lanawaga rin ng mga tsuper ang hinggil sa posible sanang hakbang ng kinauukulan tulad ng ayuda para maibsan ang kanilang nararanasang dagdag na gastusin.
Umaasa ang mga driver na mabigyan ng pansin ang kanilang sitwasyon, lalo na’t nakasalalay sa araw-araw na pasada ang kanilang kabuhayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










